Kumuha ng karagdagang medical frontliners ang lokal na pamahalaan ng Maynila para matugunan ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, 45 na medical frontliners ang newly hired.
Itatalaga aniya ito sa iba’t-ibang ospital sa lungsod kabilang ang sa mga sumusunod:
Ospital ng Maynila
- Medical Specialist (Doctors) – 5
- Nurses – 14
- Administrative Aide lll – 18
- Nursing Attendant – 1
- Dental Aide – 1
- Dentist II – 1
Ospital ng Sampaloc
- Medical Specialist (Doctor) – 1
- Nurses – 4
“Mga Batang Maynila, narito ang additional good news! Bilang patuloy na pagpapalakas ng ating mga medical facilties, additional new medical frontliners hired today,” pahayag ni Mayor Isko.
MOST READ
LATEST STORIES