Bilyon-bilyong pisong savings ng gobyerno dapat gamiting pantugon sa COVID-19 pandemic

Ipinagagamit ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa pamahalaan ang bilyong-bilyong pisong “savings” para makapagbigay ng dagdag na ayuda sa mga Filipino na  apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Defensor, maaaring magtabi ng “small fraction” o kaunting bahagi ng naturang pondo para sa biyahe ni Pang. Rodrigo Duterte at ilang foreigh affairs officials habang ang ibang pera ay ilaan na para sa ayuda.

Marami anya sa mga kawani ng pamahalaan ay “working from home,” kaya nakakatipid ang mga ahensya sa mga gastusin.

Kabilang sa tinukoy ni Defensor ay ang P17.8 billion na budget para sa mga biyahe dapat ng mga opisyal ng gobyerno, ngunit hindi nagamit dahol sa mga restriksyong dala ng pandemya.

Binanggit nito ang nasa P158 billion na pondo para sa supplies and materials; P18.3 billion para sa utilities; at P10.6 billion para sa communication expenses, na maaaring bawasan para mailagak sa financial assistance sa mga naapektuhan ng pandemya.

Isa pa rin anyang maaaring bawasan para ipang-ayuda ay ang aabot sa P26.5 billion para sa hiring o pagkuha ng mga consultant.

Pahayag ito ng kongresista kaugnay sa panawagan ni Finance Sec. Sonny Dominguez sa Kongreso  na magkatuwag na maghanap ng pondo para sa mga panukalang batas na layong magkaloob ng panibagong pinansyal na ayuda, bago talakayin ang mga panukala.

 

Read more...