Burgos, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Burgos, Surigao del Norte, madaling-araw ng Huwebes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol dakong 12:39 ng madaling-araw sa layong 51 kilometro, Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos.

May lalim ang lindol na 6 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naitalang intensity sa nasabing pagyanig ng lupa.

 

Read more...