RCBC handang magsauli ng pera sa Bangladesh Central Bank

By Den Macaranas April 12, 2016 - 08:42 PM

RCBC
Inquirer file photo

Nangako si Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) president on-leave Lorenzo Tan na kanyang kukumbinsihin ang mga board members ng kanilang bangko na ibalik ang pera sa Bangladesh Central Bank kung mapapatunayan itong pumasok sa kanilang bangko.

Sa pagdinig ng Senado kanina kaugnay sa $81 Million money laundering scam, sinabi ni Tan na nakikipagtulungan sila sa imbestigasyon pero dapat ding patunayan kung meron ba silang pananagutan sa nawawalang pera.

Nauna nang sinabi ng RCBC na hindi sila sangkot sa money laundering taliwas sa naging akusasyon ni dating RCBC Jupiter branch manager Maia Santos-Deguito.

Sa pagdinig ng Senado kanina, sinabi ni Sen. Ralph Recto na halimbawang magsauli ang RCBC ng $50 Million o P2.2 Billion na bahagi ng laundered money ay hindi ito makaka-apekto ng malaki sa financial stability ng RCBC.

Bukod sa mas magiging maganda ang kanilang estado sa bangking industry, kumite na rin naman daw ng interes ang nasabing halaga kung ito’y mapapatunayang pumasok nga sa RCBC.

Samantala, tiniyak naman ni Internal Revenue Comm. Kim Henares na iimbestigahan nila ang pananagutan ng Philrem Services Inc. makaraang mabulgar sa Senado kanina na wala silang permit bilang isang money changer o remittance company.

Sinabi ng BIR sa base sa pauna nilang imbestigasyon, ang Philrem ay rehistrado bilang isang land transporation operator.

TAGS: lorenzo tan, Money-Laundering, philrem, RCBC, lorenzo tan, Money-Laundering, philrem, RCBC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.