LOOK: Pinaiksing operating hours ng LRT-2

Magpapatupad ng pinaiksing operating hours sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LTRA), layon nitong matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga commuter sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa LRT-2 frontline personnel.

Mula sa 5:00 ng madaling-araw magsisimula ng 6:00 ng umaga ang unang commercial train traip.

Hanggang 6:00 ng gabi naman ang huling commercial train trip sa Recto at Santolan Station.

Epektibo ang pinaiksing operating hours mula April 17 hanggang 30, 2021.

Magbabalik naman ang regular operating hours sa nasabing linya ng tren sa May 1, 2021.

Read more...