Sabi pa ni Lacson, papatunayan nito na sensitibo sa mga makatuwirang puna sa mga maling payo ang Punong Ehekutibo.
Diin niya muli, mas makakasama sa halip na makabuti sa lokal na industriya ng pagbababoy ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunpaman, umaasa pa rin ang senador na intindihin ng Malakanyang ang sitwasyon ng 80,000 backyard hog raisers sa bansa bukod pa sa kanilang pamilya at mga tauhan.
Sinabi naman na pagiging makasarili ang ginawa ng Department of Agriculture matapos aminin ng kagawaran na ang kanilang rekomendasyon ay base lang sa kanilang sariling pagsusuri sa sitwasyon.
“We based our opposition and arguments on the data provided by the Philippine Statistics Authority. If you ask me, I’ll take the side of data anytime,” sabi pa ng senador.