Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Domingo na sumunod naman ang FDA sa panuntunan na compassionate use permit lamang ang ibinigay para sa Ivermectin na karaniwang ginagamit bilang pangpurga at pangtanggal ng galis sa mga hayop.
Sinabi pa ni Domingo na noon pang Hulyo pinalawig na ng Dpeartment of Health (DOH) ang pagbibigay ng compassionate special permit sa mga gamot kontra COVID-19 na ‘under investigation’ pa.
“Well, hindi naman po kasi very clear naman po iyong panuntunan natin kung ano iyong CSP [compassionate special permit]. So since July po, kung hindi po ako nagkakamali, July last year ay in-expand po ng DOH ang maaaring bigyan ng compassionate special permit to drugs for COVID-19 na still under investigation. And talaga naman pong investigational product for COVID-19 ito pong Ivermectin kaya po siya nakakasunod po siya,” pahayag ni Domingo.
Una rito, sinabi ni Congresswoman at dating Health Secretary Janet Garin na liable si Domingo sa pagpayag na gamitin ang Ivermectin kontra COVID-19.
“So amin naman po, wala naman po—siyempre po may pressure kung saan-saan, pero sa FDA po ay ina-approve lang naman po ang mga application based on merit at basta po nakakumpleto po sila ng requirements,” pahayag ni Domingo.