Hiling din ni Go na magkaroon ng intensive care at isolation units ang itatayong modular facilities.
Ginawa ng senador ang pakiusap dahil sa mga ulat na may mga pasyente sa kabila na grabe na ang kanilang kondisyon ay hindi na matanggap sa mga ospital dahil puno na ang COVID-19 wards.
Una nang inamin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nangangailangan ng karagdagang 2,000 ICU beds para makatugon sa pagdami ng mga bagong kaso.
Ilang ahensiya ang kumilos para sa karagdagang 1,045 ICU beds para sa critical cases at 1,178 beds naman para sa severe and moderate cases sa iba’t ibang pasilidad at ospital sa Metro Manila.
Una na ring umapela ang senador sa PhilHealth na bilisan ang pagbabayad sa mga ospital para hindi maapektuhan ang pagbibigay ng mga serbisyong-medikal.