Sa datos na inilabas ng kagawaran, hanggang noong nakaraang Lunes (April 12), umabot na sa 370,434 manggagawa mula sa 14,301 na establisyimentong panturismo, organisasyon at asosasyon sa buong bansa, at 13,123 na nag-apply nang personal, ang benepisyaryo ng naturang programa ng DOLE.
Nakapaglabas na ang DOLE ng P1.2 bilyon at naipadala na ito sa pamamagitan ng payment centers samantalang ipamamamahagi na rin ang natitirang P719.2 milyon.
Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na maari pang mag-apply ang iba pang mga manggagawa sa sektor ng turismo na naapektuhan nang muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
“Hindi tayo magsasawang tumulong sa kabila ng mga hadlang na dala ng pandemya. Sa mga susunod na buwan, kasabay ng pagbuhay sa ekonomiya, umaasa tayong manunumbalik sa dati nitong sigla ang sektor ng turismo sa bansa,” wika ni Bello, kasabay ng pagtitiyak nitong patuloy na tutulong ang DOLE at DOT sa mga manggagawa sa sektor ng turismo.