Ito ay matapos maiulat na nagkaroon ng ‘very rare’ o pambihirang blood clotting cases ang mga nabakunahan sa ibang bansa.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni FDA director general Eric Domingo na ilalabas ang bagong guidelines ngayong linggo.
Sa ngayon aniya, nagbigay na ng guidelines ang World Health Organization (WHO) at vaccine experts pati na ang National Adverse Events Following Umminzation Council na mas naging matimbang ang magandang benepisyo ng bakuna kaysa sa peligro.
“Well, tinatapos na po natin iyan ngayon para mailabas po natin this week. So far, nagbigay na po ng inputs sa atin ang WHO, iyong atin pong vaccine experts, pati po iyong ating National Adverse Events Following Immunization Council at sinasabi naman ng lahat na talagang the benefit outweighs the risk. So maglalabas lang po tayo ng guidelines lalo na doon sa mga magbabakuna para ma-advise nila iyong babakunahan kung ano iyong mga symptoms to watch out for at para alam din po ng mga pasyente kung may nararamdaman sila kung kailan sila kailangang komunsulta for this very year na possible occurrence po of blood clotting events,” pahayag ni Domingo.
Sa ngayon, mahigit kalahating milyong doses ng AstraZeneca na ang nakuha ng Pilipinas.