Tondo hospital, nakakuha ng bagong GE Revolution EVO CT scan machine

Manila PIO photo

Binuksan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang bagong GE Revolution EVO 128-Slice CT scan machine sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Mayor isko, gawang Japan ang CT scan machine.

“This is a very important machine for the hospital because many of the patients here do not have money to pay for CT scans. Usually, only those who have money can afford CT scans, but then CT scans are needed for proper diagnostics. This can increase the probability of patients surviving even in critical situations,” pahayag ni Mayor Iso.

Libre ang pagpapa-CT scan sa Tondo Hospital.

Ginagamit ang CT scan para sa pulmonary embolism na karaniwang nakikita sa mga may COVID-19.

Ayon kay Mayor isko, target ng lokal na pamahalaan na bilhan pa ng karagdang gamit ang ospital para sa intensive care unit (ICU).

Sinabi naman ni GAMBBC director Dr. Ted Martin na malaking tulong ang bagong CT scan machine sa ospital.

“This machine can easily identify the following brain conditions like stroke, aneurysm, brain tumor, meningitis, encephalitis, COVID-related brain infection. Pati heart attack pwede n’ya malaman agad kung aatakihin ka. Kaya rin ma-detect nang maaga ang lung cancer, liver cancer, stomach cancer, intestinal cancer, at lahat nang klase ng bukol sa tiyan,” pahayag ni Martin.

Read more...