Bilang ng nabakunahan vs COVID-19 sa QC, lagpas 100,000 na

Lagpas 100,000 na ang bilang ng mga nabigyan ng bakuna laban sa COVID-19 sa Quezon City.

Sa huling datos hanggang April 13, nasa kabuuang 101,100 indibiduwal na ang naturukan ng COVID-19 vaccine sa nasabing lungsod.

Sa Level 1 hanggang 2 hospitals, nasa 17,257 ang naturukan ng first dose habang wala pang nabigyan ng second dose.

Sa Level 3 hospitals naman, 26,233 katao ang mayroon nang first dose at 2,507 ang nabigyan ng second dose.

Nasa 57,610 naman ang naturukan ng first dose sa mga itinalagang vaccination site sa lungsod.

Magpapatuloy pa rin ang COVID-19 vaccination sa mga indibiduwal na kabilang sa A1-A3 priority groups hanggang sa araw ng Sabado, April 17.

Read more...