Outbound passengers sa mga pantalan, nasa 3,744

Tuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2021.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 3,744 na outbound passengers sa mga pantalan habang 1,898 inbound passengers.

Ito ay mula 12:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng umaga, araw ng Miyerkules (April 14).

Nasa 2,024 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 108 ang inspected vessels at 15 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read more...