Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (April 13), 17,917 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 2,481 ang aktibo pang kaso.
197 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 15,389 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
May isa namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 47 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES