Planong COVID-19 mobile hospital at vaccination site sa Luneta inaprubahan ng DOT

Radyo Inquirer File Photo

Matutuloy na ang plano ng pamahalaang-lungsod ng Maynila na makapagpatayo ng temporary mobile hospital at drive-thru vaccination site sa Luneta.

Ito ay matapos i-anunsiyo ni Tourism Sec. Berna Puyat na pumayag na ang mga opisyal ng National Parks Development Committee sa panukala ni Mayor Isko Moreno na magtayo ng pasilidad sa Burnham Green sa Rizal Park.

Sa sulat ni Moreno kay NPDC Executive Dir. Cecille Romero, ikinatuwiran nito na ang kanyang plano ay paghahanda sa posibleng pagdami ng kaso ng COVID 19.

Tiniyak pa ng alkalde na walang gagastusin ang gobyerno at ibabalik niya sa dating kondisyon ang Burnham Green kapag kailangan nang alisin ang mga pasilidad.

Samantala, ang binabalak na drive-thru vaccination site ay ilalagay sa harapan ng Quirino Grandstand.

Ayon naman kay Puyat ang mga bubuksang pasilidad ay para sa lahat at hindi lang para sa mga Manilenyo at tatanggapin sa itatayong mobile hospital ang mga nakakaranas ng mild to moderate symptoms ng COVID 19.

Read more...