Pagharap sa public address, patunay na fit at healthy si Pangulong Duterte – Palasyo

PCOO photo

Patunay na fit at healthy si Pangulong Rodrigo Duterte nang humarap, Lunes ng gabi (Abril 12), si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang regular na “Talk to the People.”

Pahayag ito ng Palasyo matapos kuwestyunin kung maayos ba ang lagay ng kalusugan ng Pangulo matapos hindi makita ng publiko ng dalawang linggo.

Katunayan ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mukhang bumata sa kanyang edad si Pangulong Duterte.

Nasa 76-anyos na ngayon si Pangulong Duterte.

“Ang paglabas po ng ating Pangulo ay patunay na ang Punong Ehekutibo ay nananatiling fit, healthy, not to mention mukhang bumata sa kaniyang edad,” pahayag ni Roque.

Read more...