Ospital ng Muntinlupa, nasa 111-percent occupancy na para sa COVID-19 cases

Umabot na sa 111 porsyentong occupancy ang Ospital ng Muntinlupa (OsMun) para sa mga kaso ng COVID-19.

Ayon sa Muntinlupa City government, batay ito sa datos hanggang April 13, 2021.

Sa 114 kaso ng COVID-19 sa nasabing ospital, 17 pasyente ang naka-admit sa ICU kung saan mayroong naka-allocate na 12 adult ICU beds.

Dahil dito, nasa 142 porsyento na ang occupancy sa kanilang COVID ICU.

“For patients in need of emergency services, expect prolonged waiting or eventual referral to other hospitals when all beds are occupied,” saad nito.

Tiniyak naman na patuloy na maghahanap ng paraan ang OsMun upang madagdagan ang kapasidad nang hindi nakokompromiso ang kaligtasan ng kanilang mga pasyente.

Read more...