236,557 pamilya sa QC, nabigyan na ng ayuda

QC LGU photo

Nasa mahigit 230,000 pamilya sa Quezon ang nakatanggap na ng ayuda mula sa pamahalaan.

Ayon sa Quezon City government, mula April 7 hanggang 12, umabot na sa kabuuang 236,557 pamilya o higit-kumulang 750,000 indibiduwal ang nabigyan ng ECQ 2021 cash assistance.

Paalala ng lokal na pamahalaan, may sinusunod na sistema ang bawat barangay sa pagbibigay ng tulong-pinansyal.

Kasama rito ang pag-isyu ng stubs o pagpapapunta ng makakakuha batay sa kalye o alphabetical order upang masunod ang health protocols sa payout centers.

Narito ang link ng listahan ng mga tatanggap ng ayuda sa nasabing lungsod:

https://quezoncity.gov.ph/sap-2021-distribution-list-of-beneficiaries/ at maari ring icheck sa inyong barangay.

Muling pinayuhan ang mga taga-Quezon City na huwag pumunta sa distribution center kung hindi kabilang sa schedule ng barangay.

Read more...