Roque masama ang lagay ng kalusugan kaya na-admit sa PGH

Photo grab from PCOO Facebook video

Masama ang lagay ng kalusugan ni Presidential Spokesman Harry Roque kung kaya agad na-confine sa Philippine General Hospital saa Maynila.

Pahayag ito ni Roque sa dami ng kumukwestyun na agad siyang nakapasok sa ospital samantalang maraming pasyente na nag-positibo sa COVID-19 ang hindi na-admit dahil punuan na.

Ayon kay Roque, Abril 5 pa lamang, nagkaroon na siya ng sintomas ng COVID-19. Abril 6, ipinagbigay alam na niya sa kanyang mga doktor na nag-positibo siyang muli sa COVID 19.

“Kaya siya unchristian, para bagang ‘pag ika’y nakakuha ng kuwarto sa panahon ngayon ay mayroon kang ginawa, na nang-isa ka sa kapwa mo. Nasa PGH po ako, ang PGH kabahagi po iyan ng University of the Philippines. Wala pong pagkakaiba ang UP-PGH sa UP Diliman, hindi po pupuwede ang palakasan dito,” pahayag ni Roque.

“Noong ako po’y pinapasok ng aking mga doktor, it was because the condition merited admission at mula po noong nagkaroon pa ako ng sintomas Lunes pa, bagama’t ako’y nag-test positive ng Tuesday, pinagbigay-alam ko na po sa mga doktor ko – lahat po sila taga-rito sa PGH. Lahat po ng nag-aalaga sa akin ay taga-PGH, mga kasama ko sa faculty, mga faculty po sila ng College of Medicine at matagal ko na po silang mga doktor sa mula’t mula pa ‘no. At malalim din po ako sa PGH dahil dito ako pinanganak, miyembro ako ng asosasyon ng mga pinanganak rito na tumutulong sa PGH,” pahayag ni Roque.

Hindi naman direktang sinagot ni Roque ang tanong kung sumingit siya sa pila kaya siya agad na nakapasok sa PGH.

 

Read more...