(Palace photo)
May nakatakdang pag-uusap sa telepono sina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ihayag ni Senador Bong Go na may pag-uusap ang dalawang lider.
Gayunman, hindi tinukoy ni Roque kung kalian magaganap ang pag-uusap nina Pangulong Duterte at Putin.
Hindi rin matukoy ni Roque kung ano ang pag-uusapan ng dalawa.
Matatandaang makailang beses nang ibinida ni Pangulong Duterte na bestfriend na sila ni Putin.
Dalawang beses na ring bumisita si Pangulong Duterte sa Russia noong 2017 at 2019.
READ NEXT
Chinese envoy, ipinatawag ng DFA para magpaliwanag sa presensya ng Chinese vessels sa Julian Felipe Reef
MOST READ
LATEST STORIES