Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay na lamang sa iba ang bakuna kontra COVID-19 na nakalaan sa kanya.
Ayon sa Pangulo, nakahanda siyang i-waive ang naturang bakuna sa kung sino man ang may gusto.
“Kami, okay na ako. Maski kami ‘yong ano. Ako, magwi-waive ako. Magwi-waive ako. Basta 70 above… Alam mo 70 above, ano mang ma — ano mang makuha mo magsige ka dream? Dream of what? Living until kingdom come? Ako magwi-waive ako. Kung sino ‘yong may gusto sa slot ko, ibigay ko. Wala akong ano masyado sa ano sa…” pahayag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, dapat na unahing bigyan ng bakuna ang mga taong may tsansa pang mabuhay.
“I am that fatalistic actually. I have always been na kung panahon ko na either it’s COVID or a bala or whatever disgrasya. Wala akong masyadong ano diyan sa illusions about life and death. If anyone wants to have it, they can have it. We are not in the priority anyway kasi above — above ano na,” pahayag ng Pangulo.
“Ang unahin natin ‘yong mabubuhay pa. Well, come to think of it actually, ang unahin natin ‘yong medyo pagka nabigyan ng vaccine, there’s a chance that he would live and live productively. Iyon naman ang aking pang… Ito, pangsagot doon sa ano na kami nga magwi-waive kami tutal kami ‘yong mga bracket na few of us only. Few of us only are there in government working. Most of the senior citizens are no longer that productive. Puwera na lang ‘yong na-elect itong mga naging congressman, senador kasi may trabaho talaga ‘yan,” dagdag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, wala na siyang hinahangad sa buhay kung hindi ang makapiling ang pamilya.
“Pero ako, after this, wala na akong — wala na akong — nothing to look forward to. Maybe spend a little bit time with the family, then time to go. Wala — wala… Kami ‘yong wala na kami masyadong maibigay sa ating bayan. Sa edad namin, kung hindi kami na-elect, baka talagang ganoon na nga,” pahayag ng Pangulo.