Magtiis ka.
Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang matinding kritiko na si Senador Leila de Lima.
Ayon sa Pangulo, matindi na kasi ang ginagawang pangbabastos ni de Lima sa bansa at sa kanya.
“You know it takes two to tango. ‘Pag binabastos ninyo ako, eh ‘di babastusin ko rin kayo. Kagaya kay De Lima, eh tama ‘yan sa iyo. Magtiis ka. P***** i** mo. Binastos mo ang Pilipinas ng droga diyan mismo sa national penitentiary. Ngayon sige ka yawyaw diyan kung ano-anong pinagsasabi mo na hindi ko kaya. Bakit ikaw ba ang nag-elect sa akin? Did you elect me as President? I got my votes substantial one to make me a credible president, 6 million ‘yan,” pahayag ng Pangulo.
Nanindigan pa ang Pangulo na hindi siya inutil at maayos na nagagampanan ang kanyang trabaho.
“Tatagal kaya ako — ito prangkahan tayo — tatagal kaya ako dito sa p***** i**** puwesto na ito kung inutil ako? Will the military allow me to govern na ganoon pamamalakad mo, wala kang ginawa?” pahayag ng Pangulo.
Sa pahayag kasi ni de Lima, sinabi nito na walang in-charge sa pamumuno sa bansa habang may pandemya sa COVID 19.
Hindi kasi nakita ang Pangulo sa nakalipas na dalawang linggo.
Sa Facebook post ni Senador Bong Go, nakitang nag-jogging at nag-walking ang Pangulo sa Malakanyang ng alas dos ng madaling araw.
Nagmotor pa ang Pangulo sa loob ng Malakanyang.
Pang-aasar pa ng Pangulo kay de Lima, nag-eenjoy siya sa kanyang buhay at minsan nagkakantahan pa samantalang ang senador ay nasa kulungan.
“You know that’s… Medyo hindi maganda ‘yan kaya when you pretend to glee, ‘yang maano siya maligaya. Sige lang sabi ko tutal nagtitiis ka eh. Kami dito we are enjoying the times of our lives you know singing sometimes — singing, laughing. Ikaw, nasa presuhan, magtiis ka. P***** i** mo, ginawa mo talaga ‘yan. Huwag mong sabihing hindi mo ginawa. Ginawa mo ‘yan,” pahayag ng Pangulo.
Pero bwelta ni de Lima, marami na ang namamatay na positibo sa COVID-19 pero siya pa rin ang pinoproblema ni Pangulong Duterte.
Apela pa ni de Lima kay Pangulong Duterte, maawa sa taong bayan dahil namamatay na sa COVID-19 ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ayon kay de Lima, mas makabubuting mag-focus na lamang ang Pangulo sa kanyang trabaho kaysa pagtuunan ng pansin ang pagbanat sa kanya.