Paglalagay sa priority list sa mga Filipino seafarers upang bakunahan marapat lamang ayon sa DOTr
By: Erwin Aguilon
- 4 years ago
Welcome development para kay Transport Secretary Arthur Tugade ang pagsama ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga Filipino seafarers sa priority list upang mabakunahan kontra sa COVID-19.
Ayon kay Tugade, hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa IATF na maisama sa prayoridad na bigyan ng bakuna ang mga seafarers na ayon sa kalihim ay ‘silent workers’ ng bansa.
“Paulit-ulit ko pong inilalarawan ang ating maritime workforce bilang mga silent workers ng bayan. They work silently, yet their contribution is as crucial as keeping the economy thriving. Not only are they frontliners, but they are undoubtedly HEROES, too,” saad ni Tugade.
Sinabi naman ni DOTr OIC Assistant Secretary for Maritime VADM Narciso Vingson Jr., na ang pagsasama sa mga priority list ng mga sewafarers ay bilang pagkilala sa papel na ginagampanan ng mga ito ngayong nahaharap ang daigdig sa pandemya.
“The working group is in the unified position to push for the prioritization of Filipino seafarers in the country’s COVID-19 vaccination program to secure their employment, and to ensure the safe shipping operations of essential goods amid the pandemic,”pahayag ni Vingson.
Mula sa B3 (Other essential workers) o B5 (Overseas Filipino Workers) sa Vaccination Priority Framework, inilagay ng IATF sa A4 (Frontline personnel in essential sectors) ang mga Filipino seafarers kasama ang uniformed personnel.
Sa datos ng MARINA at POEA mayroong kabuuang 549,000 active seafarers na rehistrado sa kanilang system kung saan nasa 497,000 ang nagtatrabaho abroad habang 51,000 naman ang sa loob ng bansa.
Mayroon din 181,000 seafarers ang walam updated sea service sa loob ng nakalipas na tatlong taon.
Dahil dito, sabi ng DOTr, 730,651 na Filipino seafarers ang maisasama sa A4 category ng vaccination program.