500,000 trabahador inaasahang nakabalik na sa trabaho ngayon MECQ

Kuha ni Erwin Aguilon/Radyo Inquirer On-Line

Balik-trabaho na ngayon ang may 500,000 manggagawa na hindi nakapag-trabaho dahil sa dalawang linggo na pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ).

Paliwanag ni Trade Secretary Ramon Lopez ito ay dahil nadagdagan pa ang mga negosyo na maaring magbukas at magbalik kahit sa limitadong operasyon sa pag-iral ngayon ng modified ECQ.

Ngunit, may isang milyon pang manggagawa ang nanatiling walang trabaho at muli lang silang makakapag-trabaho kapag umiral na ang general community quarantine (GCQ).

Dagdag pa ni Lopez maraming maliliit na negosyo ang napilitan na magsara dahil sa ECQ at umaasa siya na makakapagbukas pa ang mga ito kapag lumuwag na ang quarantine protocols.

Samantala, nilinaw ng kalihim na sa MECQ areas, pinapayagan na ang outdoor dining sa mga kainan sa 50 porsiyentong kapasidad kasabay ng pagpapatupad ng diagonal seating at paglalagay ng acrylic dividers sa mga mesa.

Read more...