Sa kabila nang patuloy na pagkuwestiyon sa kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, umapela si Senator Leila de Lima kay Senator Christopher Go na itigil na ang pagtatakip sa Punong Ehekutibo.
“Stop covering up for your boss and misleading us on his true capacity to lead. No one is really in charge,” ang tweet ni de Lima patukoy kay Go.
Dagdag pa nito, “Marami nang namatay. Marami pang nagkakasakit. Tigilan na ang panlilinlang. Halatang-halata na kayo!”
Kasabay naman nito, pinuri ni de Lima si Vice President Leni Robredo sa mga ginagawa nito sa pagharap ng bansa sa pandemya sa kabila nang kakulangan sa pondo.
“The OVP is able to do wonders — the recent launch of the latest of its series of very notable and well-conceived COVID-related projects, E-konsulta and Swab Cab,” sabi pa ng senadora.
Sinundan pa niya ito ng pasaring kay Pangulong Duterte; “Habang yung isa, pa jogging jogging lang. Kahiya!”