Inirekomenda ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa mga ospital at health center na maghanda ng standard COVID-19 kit para sa mga pasyenteng hindi kaagad maa-accommodate dahil sa kakulungan ng pasilidad.
Ang COVID-19 kit ay dapat aniyang maglaman ng standard na mga gamot na ibinibigay sa mga pasyenteng mild at moderate cases.
Ayon sa kongresista, baka kasi lumala pa ang kondisyon ng mga ito kung basta lamang silang pauuwiin.
Ginawa ni Taduran ang rekomendasyon matapos mapag-alamang umaabot hanggang 200 ang bilang sa pila ng mga pasyenteng nahihintay sa sasakyan habang hindi naa-admit sa ospital.
Kasabay nito’y hinimok ng mambabatas ang lahat ng barangay na magkaroon ng standby oxygen tanks at refills na magagamit habang nagbibiyahe ng pasyente lalo na iyong kritikal.
Ang mga ito kasi aniya ang tiyak na tatakbuhan ng mga pamilya sa kanilang komunidad na walang malalapitan para humingi ng tulong.