Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (April 12), pumalo na sa 876,225 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 157,451 o 18.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 11,378 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
97.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.7 porsyento ang asymptomatic; 0.36 porsyento ang moderate; 0.6 porsyento ang severe habang 0.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 204 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 15,149 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 267 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 703,625 o 80.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.