Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 2,594 na outbound passengers sa mga pantalan habang 2,112 inbound passengers.
Ito ay mula 12:00 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng umaga, araw ng Lunes (April 12).
Nasa 2,062 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.
Base pa sa datos, 85 ang inspected vessels at lima ang inspected motorbancas.
Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.