227 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Aabot sa 227 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Linggo ng gabi (April 12), 17,405 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 2,430 ang aktibo pang kaso.

196 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 14,931 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

May jsa namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 44 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...