Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 136,641,901 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 31,918,591 cases.
Sumunod na rito ang India na may 13,527,717 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 13,482,543 naman ang kaso sa Brazil habang 5,058,680 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 4,641,390
– United Kingdom – 4,369,775
– Turkey – 3,849,011
– Italy – 3,769,814
– Spain – 3,347,512
– Germany – 3,009,541
– Poland – 2,574,631
– Colombia – 2,536,198
– Argentina – 2,532,562
– Mexico – 2,280,213
– Iran – 2,070,141
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,949,409 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 109,881,553 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.