Homicide case ikakasa sa dalawang tanod na nakapatay ng curfew violator

CTTO / FACEBOOK POST

Sasampahan ng kasong homicide ang dalawang barangay tanod na nakapatay ng curfew violator matapos nila itong pagtulungang bugbugin sa Calamba City noong nakaraang linggo.

Kasabay nito, pinaghahanap na ng pulisya sina Arjay Abierta at Joel Ortiez, na kapwa agad tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat, sa pagitan nang alas-10:30 at alas-11 ng gabi noong Abril 7 hinabol ng dalawang tanod sa Barangay Turbina ang 26-anyos na biktimang si Ernanie Jimenez, tubong Guinyangan, Quezon.

Nang abutan nila si Jimenez ay pinagsisipa nila ito, ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari.

Bunga nito, nawalan ng malay ang biktima kayat agad isinugod sa Calamba Medical Center ngunit namatay din ito.

 

Read more...