Extension sa pagbabayad sa buwis inihirit sa Finance Department, BIR

Nananawagan si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa Department of Finance (DOF) at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na palawigin ng 30 araw ang deadline ng paghahain ng 2020 income tax return.

Ayon kay Rodriguez dahil sa pandemya at mahigpit na quarantine restrictions hindi basta makalabas ng bahay ang mga tao kaya marapat lamang na bigyan pa ng sapat na panahon ang mga taxpayers na makapagbayad.

Posible rin aniya na maysakit o nahihirapan din ang ilang mga tax filers at kahit gustuhin man ng isang taxpayer na personal na maghain ng tax return ay pahirap naman sa mga ito ang pagkakaroon ng ligtas na transportasyon.

Katwiran pa ng kongresista, imposible rin para sa iba na makapaghain ng tax return sa online dahil ang ibang mga dokumento ay nasa mga opisina kung saan ang ilan ay sarado dahil nakalockdown.

Tinukoy pa ni Rodriguez na ilan din sa mga BIR offices at bangko ay sarado rin dahil sa disinfection at sa ipinatupad na mas mahigpit na community quarantine sa NCR plus.

Sa Huwebes, April 15 na ang nakatakdang deadline para sa pagbabayad ng tax returns ng mga taxpayers.

 

Read more...