Huwag maging kampante ngayon MECQ – Sen. Bong Go

Nagbilin si Senator Christopher Go sa mamamayan na iwasan magpakakampante ngayon naibaba na sa mas maluwag na quarantine restrictions ang NCR Plus bubble.

“Sa lahat ng desisyon ng gobyerno, palaging isinasaalang-alang ng Pangulo ang mga rekomendasyon ng IATF na nangunguna sa ating laban kontra COVID-19 at ng iba’t ibang mga eksperto na nais tumulong. Lahat po iyan ay binabalanse natin upang maproteksyunan ang kapakanan at buhay ng bawat Pilipino,” paliwanag ni Go sa desisyon ni Pangulong Duterte na ibaba sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

Paalala pa ng senador na kahit pabago-bago pa ang quarantine restrictions kailangan na mapanatili ang disiplina sa pagsunod sa minimum health protocols.

“Kaya po kailangan ang pakikiisa ng lahat sa laban na ito. Ipinapatupad natin ang mga kinakailangang hakbang upang maiwasan hindi lamang ang sakit, kundi pati rin po ang gutom at kahirapan,” bilin pa ni Go.

Kasabay nito ang kanyang panawagan na gobyerno na madaliin ang pagkasa ng mga programa at hakbang para naman maibsan ang hirap ng mamamayan.

 

 

Read more...