WHO: 87 porsiyento ng COVID 19 vaccines napunta sa mayayamang bansa

Pinuna ni World Health Organization (WHO) chief Tedros Ghebreyesus na 87 porsiyento ng suplay ng bakuna laban sa COVID 19 ay napunta sa mga mayayamang bansa at wala pang isang porsiyento sa mga mahihirap na bansa.

Binanggit nito na sa mga mayayamang bansa, isa sa bawat apat nilang mamamayan ang nabakunahan na, samantalang sa mga mahihirap na bansa, isa sa bawat 500.

“There remains a shocking imbalance in the global distribution of vaccines,” puna ni Ghebreyesus.

Nakakaranas din aniya ng kakulangan sa suplay ng bakuna ang COVAX na hanggang nitong nakaraang buwan ay nakapamahagi lang ng 38 million doses bagamat ang dapat ay halos 100 million doses.

Giit nito, ang problema ay hindi ang paglabas ng mga bakuna mula sa COVAX kundi ang pagpasok ng mga ito.

“We understand that some countries and companies plan to do their own bilateral vaccine donations, bypassing COVAX for their own political or commercial reasons. These bilateral arrangements run the risk of fanning the flames of vaccine inequity,” sabi pa ng opisyal.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang negosyasyon sa mga mayayamang bansa para ibahagi nila ang sobrang bakuna.

Bahagi ng COVAX ang Pilipinas at ang bansa ay nakatanggap na ng kabuuang 38,392,540 doses ng mga bakuna mula sa COVAX.

Read more...