Bagong unified Metro Manila curfew hours simula ngayon

Nagkasundo ang 17 mayors ng Metro Manila na magpatupad muli ng iisang curfew hours kasabay nang pagpapalit sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus bubble.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos  ang curfew sa Kalakhang Maynila ay simula na alas-8 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga simula ngayon araw hanggang sa Abril 30.

Sinabi ni Abalos na ang mga alkalde sa Kalakhang Maynila ay may kapangyarihan, base sa bagong alintuntunin na aprubado ng Inter-Agency Task Force (IATF), na magbago ng curfew hours.

Nananatiling hindi saklaw ng urfew hours ang authorized person outside residence o APOR ngunit kinakailangan na mapatunayan nila na sila ay papasok o pauwi mula sa trabaho.

Wala pang pahayag hinggil naman sa pagbaba ng edad ng maaring makalabas na ng bahay dahil sa pag-iral ng ECQ tanging ang mga ay edad 18 hanggang 65 lang ang maaring lumabas ng bahay.

Wala pa rin abiso kung nananatiling epektibo ang idineklarang liquor ban sa ilang lungsod at bayan na kabilang sa NCR Plus bubble.

Read more...