Ibinaba na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang quarantine classification sa NCR plus.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay sa MECQ sa National Capital Region, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal simula April 12 hanggang sa April 30.
Kasama rin sa nasa MECQ ang Santiago City sa Isabela, lalawigan ng Qurino at Abra.
General Community Quarantine naman sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, Lanao del Sur at probinsya ng Quezon.
Ang nasabing quarantine classification ay tatagal hanggang sa katapusan ng Abril.
Ang iba panig naman ng bansa ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine.