Kaso ng COVID-19 sa PNP pumalo na sa 17, 194

Umakyat na sa kabuuang 17, 194 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Philippine National Police.

Sa facebook post, sinabi ng PNP na 223 ang kanilang bagong kaso.

Pumalo na rin sa 43 ang namatay matapos masawi ang isang 53-anyos na lalaking opisyal na nakatalaga sa Police Regional Office 3.

Mayroon namang 14,751 ang kabuuang gumaling matapos makapagtala ng karagdagang 278 na bagong recoveries.

Sa ngayon, mayroong 2, 400 na aktibong kaso ng kinatatakutang sakit sa hanay ng PNP.

Read more...