Nakatakdang i-anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang quarantine classification sa tinaguriang National Capital Region plus ngayong araw.
Ayon kay Roque, mamayang 3pm niya ito ilalabas.
Bukod sa quarantine classification sa NCR plus na kinabibilangan ng National Capital Region, Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan na nasa ilalim na ng dalawang linggong enhaced community quarantine, ilalabas din ni Roque ang mga bagong guidelines in IATF.
Nauna ng nagpulong ang IATF kahapon pero sabi ni Roque tinitimbang pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon.
Matatapos ang dalawang linggong ECQ ng NCR plus ngayong araw.
MOST READ
LATEST STORIES