Balik na ang byahe ng mga tren ng Philippine National Railways (PNR) bukas, araw ng Lunes.
Ito ay matapos ang mass testing para sa COVID-19 ng lahat ng mga tauhan nito.
Sa abiso ng DOTr-PNR, ang mga nagpositibo sa sakit ay naka isolate na habang ang mga direct contact naman ng mga ito ay naka quarantine na.
Ang mga nagnegatibo naman ay papayagan ng pumasok sa trabaho simula bukas pero kailangan pa ring dumaan sa antigen test upang masiguro ang kaligtasan ng mga kapwa empleyado at mga pasahero.
Dapat sana ay noon pang Biyernes, April 9 nagbalik ang byahe ng PNR pero kailangan itong ipagpaliban habang hinihintay ang resulta ng RT-PCR test ng iba pang mga empleyado.
“As passenger and personnel safety remains its utmost priority, PNR seeks the understanding and cooperation of its passengers as it continues to implement stringent health protocol prior to its resumption of operations on Monday,” pahayag ng DOTr-PNR.