Pinoy boxer Jerwin Ancajas wagi kontra sa Mexican boxer na si  Jonathan Rodriquez

Photo from Showtime Boxing Twitter

Napanatili ni Jerwin Ancajas ang titulong IBF super flyweight matapos talunin si Jonathan Rodriquez sa kanilang laban sa Mohegan Sun Arena sa Connecticut, USA.

Matagumpay na naipaglaban ni Ancajas ang kanyang titulo sa ika-siyam na beses sa unanimous decision ng mga judge.

Nakakuha si Ancajas ng 115-116 at 117 na score mula sa mga judge habang 112-111 at 110 naman ang kanyang tinalo na si Rodriquez.

Dalawang ulit nang ipinagpaliban ang laban ng dalawa bago ito natuloy.

 

Read more...