Masusing binabantayan ng Department of Energy (DOE) ang sitwasyon ng kuryente sa bansa kasunod ng maintenance shutdown ng ilang power plant.
Ayon kay Energy Secretary Zenaida Monsada, mahigpit ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang masiguro na maibabalik ang operasyon ng mga generating facilities bago ang araw ng eleksyon.
Sinabi ni Monsada na bago matapos ang buwan ng Abril ay babalik na sa operasyon ang mga power plants sa Luzon na isinasailalim sa maintenance shutdown gayundin ang may schedule na maintenance works.
Samantala, ang 150MW Therma South, Inc. plant na nagkaroon ng force outage ay isinasailalim na sa pagtaya upang muling makapag operate at makadagdag ng supply ng kuryente sa Mindanao grid na kasalukuyang nasa red alert.
Nauna nang inilagay kahapon ni Monsada sa inilagay sa yellow alert ang Luzon grid dahil sa manipis na power reserve.