Sa resulta ng latest survey ng Social Weather Stations (SWS), nangunguna sina presidential candidate Davao City Mayor Digong Duterte at vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos habang pumapangatlo pareho sina administration standard bearer Mar Roxas at rep. Leni Robredo.
Iginiit ni Communications Secretary Sonny Coloma na ang totoong survey ay sa ang magaganap sa Mayo a nuebe.
Ayon kay Coloma, ipapaubaya nila sa mga botante ang pagbusisi at pagpili sa mga kandidato base sa trak record, plataporma at pagkatao ng mga ito.
Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na kumpiyansa siya na makakahabol sa mga survey sina Roxas at Robredo habang lalong nakikilala ng mga tao ang mga kandidato.