216 na volcanivc earthquakes naitala sa Bulkang Taal; Alert Level 2 nakataas pa rin

Nakapagtala ng 216 na  volcanic earthquakes kabilang ang 177 volcanic tremor sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa Phivolcs, tumagal ito ng isa hanggang 32 minuto.

Mayroon din itong 39 na low frequency volcanic earthquakes at low-level background tremor na nagsimula noon pang 9:05 ng umaga ng April 8, 2021.

May mahinang pagsingaw rin sa bulkan na may taas na 5 metro mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa main crater.

Nakapagtala naman ng Phivolcs ng 1, 932 na toneladang pagbuga ng sulfur dioxide kada araw kahapon, April 10.

Nasa 71.8 degrees Celsius na init sa main crater ng Bulkang Taal.

Nagpapatuloy pa rin naman ang pamamaga ng bulkan na nagsimula sa pagsabog nito noong Enero ng nakalipas na taon.

Dahil dito, sinabi ng ahensya na nagpapakita lamang ang kanilang mga obserbasyon na patuloy ang paggalaw ng magma sa ilalim ng bulkan.

Pinaaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na sa ilalim ng  Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa volcano island na idineklara ng Permanent Danger Zone.

Pinaiiwas din ng Phivolcs ang mga piloto na lumipad malapit sa bulkan dahil sa pinangangambahang pagsabog nito na maaring magdulot ng pinsala sa anumang sasakyang panghimpapawid.

 

 

 

 

Read more...