Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Sa 4am update ng PAGASA, ito ay huling namataan sa layong 1, 960 kms Silangan ng Mindanao.
Malawak ang extension ng LPA na nakakaapekto sa mga nabanggit na lugar.
Magiging mabagal ang pagkilos ng nasabing sama ng panahon at inaasahang sa susunod na linggo pa papasok sa PAR.
Malaki rin ang tyansa nito na maging isang bagyo.
Ayon sa PAGASA, magiging maulap ang papawirin sa Eastern section ng Mindanao at mataas ang tyansa ng mga pag-ulan.
Samantala, easterlies naman ang nakakaapekto sa iba pang panig ng bansa.
Magdadala ito ng maalinsangang panahon lalo na sa tanghali at hapon.
Ang araw ay sumikat 5:45 ng umaga at lulubog 6:10 ng gabi.