Pangulong Rodrigo Duterte nag-jogging sa Malacanang

(Courtesy: Senador Bong Go)

Matapos mag-trending ang #NasaanAngPangulo, nag-jogging si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang kagabi para ipakita sa taong bayan na maayos ang lagay ng kanyang kalusugan.

Sa Facebook post ni Senador Bong Go, makikita sa video na tumatakbo ang Pangulo sa Malacanang Park.

Nakasuot ang Pangulo ng facemask at face shield.

Makikita rin ang Pangulo na sumakay pa ng motorsiklo.

Nanawagan si Go sa publiko na suportahan ang Pangulo hindi malungkot at mahirap ang maging Pangulo ng bansa lalo na sa panahon ng pandemya sa COVID-19.

“Mga kababayan ko, malungkot at mahirap ang maging Pangulo sa panahong ito. Suportahan natin si Tatay Digong, ang taong totoong nagmamahal sa ating kapwa Filipino,” pahayag ng post ni Go.

Matatandaang hinahanap ng taong bayan ang Pangulo, matapos makansela ang nakatakdang “Talk to the People” noong  Lunes at Miyerkules.

Pero ayon kay Go, walang dapat na ipag-alala ang taong bayan dahil malakas at maayos ang lagay ng kalusugan ng Pangulo.

 

(Courtesy: Senador Bong Go)

 

 

(Courtesy: Senador Bong Go)

 

Read more...