Higit 43,000 pamilya sa QC, nabigyan na ng ayuda

QC LGU photo

Napagkalooban na ng ayuda ang ilang pamilya sa Quezon City.

Sa unang araw pa lamang ng distribusyon, umabot na sa 43,520 pamilya ang nabigyan ng ayuda.

Nasa P1,000 cash ang ibinibigay na ayuda sa bawat indibiduwal habang hanggang P4,000 naman sa may apat na miyembro ng pamilya o higit pa.

Mayroong 30 distribution centers sa 40 barangay sa nasabing lungsos.

Tiniyak ng QC LGU na tuluy-tukoy ang pamamahagi ng ayuda sa lungsod sa mga susunod na araw.

Ngunit, lilimitahin pa rin ang bilang ng papayagang pumunta kada araw para masunod ang health protocols.

Read more...