Kaso ng COVID 19 sa Pilipinas nadagdagan ng 6,414; 242 namatay

Nasa 819,164 na ang naitatalang COVID 19 cases sa bansa.

Ito ay matapos ianunsiyo ng DOH na may nadagdag pang 6,414 bagong kaso ngayon araw.

Kasabay nito, may naitalang 163 na gumaling sa sakit, ngunit 242 naman ang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 19.4% (158,701) ang aktibong kaso, 78.9% (646,404) na ang gumaling, at 1.72% (14,059) ang namatay.

May 10 ‘duplicates’ ang tinanggal sa kabuuang bilang at pito sa mga ito ay gumaling na.

May 133 kaso naman na napaulat na gumaling at lumabas na namatay pala matapos ang final validation.

Read more...