Mga benepisyo ng frontline health workers hindi mawawala sa pag-expire ng Bayanihan 2 – Sen. Sonny Angara

Nilinaw ni Senator Sonny Angara na kahit mag-expire na ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 3 sa darating na Hunyo 3, mananatili ang mga benepisyo ng mga frontline health workers.

Paliwanag ng namumuno sa Senate Committtee on Finance, hanggang umiiral ang idineklarang national emergency dahil sa pandemya magtutuloy-tuloy ang mga benepisyo  sa frontline workers, partikular na ang kompensasyon sa mga tatamaan ng COVID 19.

Matatandaan na isinulong ni Angara sa Senado ang pagpasa sa Bayanihan 2 at aniya ang mga frontline workers na makakaranas ng mild and moderate effects ng nakakamatay na sakit ay tatanggap ng P15,000 at P100,000 naman sa severe and critical cases.

Samantalang, P1 milyon ang matatanggap ng naulilang pamilya ng namatay na frontline workers.

Sinabi pa nito na ang pagtuloy-tuloy ng mga benepisyo sa frontline health workers ay napagkasunduan  ng mga senador at kongresista nang talakayin sa bicameral meetings ang Bayanihan 2.

Read more...