Isang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, 3am ngayong araw namataan ito sa layong 790 kms Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Magiging mabagal anya ang pagkilos nito pakanluran sa loob ng tatlong araw.
Dahil dito, asahan na ang mga pag-ulan simula ngayong araw sa Silangan ng Mindanao partikular sa Caraga Region, Davao Region, Socsargen at bahagi ng Bangsamoro Region dahil sa outer portion ng LPA.
Maliban sa LPA, minomonitor din ng PAGASA ang Northeasterly wind flow o hangin galing sa Hilagang-Silangan na nagdadala ng mahinang pag-ulan sa Luzon.
Mayroon ding binabantayang sama ng panahon sa labas ng Philippine Area of Responsibility ang weather bureau.
Inaasahan sabi ni Estareja na sa Linggo ay papasok sa PAR ang LPA sa Silangan ng Mindanao malapit sa Eastern Visayas.
Mababa naman anya ang tyansa ng nasabing samahan ng panahon na maging bagyo.