Outbound passengers sa mga pantalan, higit 14,000

Tuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2021.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 14,645 na outbound passengers sa mga pantalan habang 12,223 inbound passengers.

Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Martes (April 6).

Nasa 1,953 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 236 ang inspected vessels at 293 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read more...